OFW COVID REPATRIATION: Travel Guide from Manila to Luzon Provinces

Click here for PHASE 1-6

ofw repatriation covid 19 Maaaring magbago ang mga impormasyon dito nang walang paunang abiso.

May kaunting pagkakaiba sa sistema ng bawat Municipalidad. Makipagugnayan sa inyong LGU o Municipal Health Office at ibigay alam na kayo ay OFW na papauwi na.

PHASE 7
GOING HOME

I. PARANAQUE INTEGRATED TERMINAL EXCHANGE (PITX)

  1. Ipila lahat ng mga bagahe (kasama ang handbags, belt bags or laptop bags) para sa SECURITY CHECK ng K9 or sniffing dogs.
  2. Antayin matapos ang SANITATION ng mga bagahe.
  3. Pumasok sa HOLDING AREA.

II. ENCODING & PRINTING of QUARANTINE CERTIFICATE

Sa loob ng Holding Area, ihanda and mga sumusunod para makuha ang Quarantine Certificate:

  • Passport
  • Impormasyon: final destination, region, address, contact person and numberofw repatriation covid 19

III. REGISTRATION of REGION and MUNICIPALITY DESK

  1. Ibigay sa REGISTRATION DESK ang QUARANTINE CERTIFICATE.
  2. Piliin kung saan ang pinakamalapit na OFFICIAL DROP-OFF POINT sa inyong bayan.
  3. Mag-antay sa announcement kung sasakay na sa transport vehicle. Maging alerto para hindi maiwan.
  4. Kung ang uuwian ay may kalayuan sa mga Official Drop-Off Points, huwag kalimutang sabihan ang Transport Coordinator or Registration Staff na makipagugnayan sa inyong LGU para sa Authorized Vehicle na susundo sa inyo.
  5. Pag-nakaalis na ang bus, magsabi sa inyong Municipal Health Office or LGU na kayo ay nakasakay na pauwi. Malaking tulong ito para sa mga Medical Team on duty na madadatnan nyo.

NOTES:

  • May pagkain/merienda na ibibigay sa loob ng holding area.
  • Maaaring pupunuin muna ang transport vehicle o aantayin ang cut-off time bago umalis ang sasakyan.

PHASE 8
BARANGAY OR HOME QUARANTINE

I. OFFICIAL DROP-OFF POINT

  1. Maging alerto para hindi kayo lumagpas sa inyong DROP-OFF POINT.
  2. Mag-register sa Drop-off Point ng OWWA at LGU (Municipal Health Office or Municipal Disaster Risk Reduction Management Council).
  3. May official vehicle na magdadala sa inyo sa LGU/BARANGAY ISOLATION FACILITY.

IMPORTANT:

  • Kung ang official drop-off point ay malayo sa inyong municipality, antayin ang authorized vehicle na maguuwi sa inyo sa sariling bayan.
  • Huwag bumaba kahit saan at umuwi sa bahay ng hindi nagpaparehistro sa inyong LGU. Huwag magpasaway at magpumilit na umuwi na sa sariling bahay.

II. LGU/BARANGAY ISOLATION FACILITY

  1. Antayin and SANITATION ng mga bagahe.
  2. Mag-register sa Nurse on Duty para sa interview at encoding. Ipakita ang passport at Quarantine Certificate.
  3. Antayin ang ASSESMENT kung saan kayo dadalhin para sa MANDATORY 14 DAYS QUARANTINE, kahit negative and result ng swab test.
  • FOR HOME QUARANTINE
    Dapat may hiwalay o sariling entrance, kwarto at CR
    – Kayang tumira sa bahay ng walang contact sa mga kamag-anak
    – Walang high-risk na kapamilya
    – May thermometer for personal use. 1 per person
  • FOR LGU/BARANGAY ISOLATION FACILITY
    -Kung hindi pasado sa mga requirements ng home quarantine

III. HOME QUARANTINE

  1. Kung pasado sa HOME QUARANTINE, pwede na magpasundo o magpahatid sa sariling bahay.
  2. Antayin ang Barangay Representative na mag-iinspect sa inyong quarantine zone sa bahay.
  3. Mag-report araw-araw ng temperature sa inyong Barangay Representative or assigned Nurse sa pamagitan ng SMS/Text Messages.

ofw repatriation covid 19

IV. FREEDOM!

  1. Pagkatapos ng 14 days, mag-report muli sa Barangay or LGU at kunin ang BARANGAY CERTIFICATE or clearance, patunay na natapos niyo ang mandatory 14 days quarantine.
  2. Pagkakuha ninyo ng Barangay Clearance ay dumiretso na kaagad sa inyong MUNICIPAL HEALTH OFFICE (MHO) upang kunin ang inyong MEDICAL CLEARANCE patunay na kayo ay COVID-19 FREE!
  3. Congratulations, pwede nyo ng yakapin ang inyong kapamilya!

ofw repatriation covid 19

Welcome home, Kabayan!

Details provided by Lyle Lucasi and family, repatriation date 15 June 2020. #RoadToRepatriation2020

One thought on “OFW COVID REPATRIATION: Travel Guide from Manila to Luzon Provinces

What Do You Think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s