Kapag

Kapag nakakatanggap ako ng gantong message:

“Ang saya ng classes ko, ate. Alam mo sa Statistics namin recite ako ng recite! Math yun ah! Tpos my mga new friends na ako! Ang saya-saya! Obvious ba? Super enjoy ate! THANK YOU SOOOO MUCH for pushing me here. I feel that I do belong here!”

OK na akong nagbabayad ng tuition. OK na akong pagod araw-araw. OK na akong sinisigawan lagi ng boss sa trabaho. OK na akong minamaliit at sinasabihan “useless” ng mga customers. OK na akong walang maayos na job description.

At kapag nakakatanggap ako ng gantong message:

“Ate, thank you for the money you gave me. When I grow old I will give you money also.”

OK na akong nagtitipid lagi. OK na akong di nakakabili ng luho. OK na akong  tinutusta ng sobrang init na panahon. OK na akong umuuwi sa kadiliman at walang kausap. OK na akong namumuhay kasama ang mga surot.

At kapag nakakabasa ako ng gantong message:

“Anak, maraming salamat sa allowance ko.”

OK na akong mag-isa’t umiiyak gabi-gabi.

_____

Sabi nila hindi daw mahalaga ang pera. Pero para sa bagong bayaning ito, OK na.

Kapag.

6 thoughts on “Kapag

What Do You Think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s