A Guide for OFW Repatriation from the UAE to the Philippines

Last updated on 17 June 2020.

filipino ofw repatriation covid

IMPORTANT: There may be protocols in the Philippines (like lockdown status and mandatory quarantine) which may change without prior notice. Maaaring magbago ang mga impormasyon dito nang walang paunang abiso.

As of this writing, the Philippines has the only government in the world that repatriates their overseas workers for FREE.

filipino ofw repatriation covidPHASE 1
APPLICATION IN THE UAE

You should request for repatriation assistance only if you have firmly decided to go home for good. Mag-apply lamang pag desidido ng umuwi for good.

I. SUBMIT APPLICATION

Ipasa and mga sumusunod na dokumento:

  1. Clear copy of PASSPORT
  2. Latest VISA
  3. APPLICATION letter

Copy-paste content of this Application Letter and answer ALL items:

Dear ATN (Assistance To Nationals),
I have fully decided to be repatriated back to the Philippines.
Full name: 
Age:          
Date of birth:         
Sex:           
Contact number:    
Email address:       
Type of visa:          
Issued in which Emirate:     
Validity date:         
With valid passport readily available upon flight? (Yes or if No, why?)
Reason for going back to the Philippines:    
Name of Next-of-Kin (NOK) / family in the Philippines:
Relationship (husband, father, mother. etc.)
Contact number of NOK / family:    
Complete address in the Philippines (Unit No., House/Bldg. No., Street,City/Municipality, Province):  
Needing Accommodation in NCR? (Yes or No)  

Best Regards,
Name of applicant  

Send to:

  • Southern Emirates (Abu Dhabi, Al Ain) – email the Philippine EMBASSY at abudhabi@gmail.com
  • Northern Emirates (Dubai, Sharjah, Ajman, Umm Al Quwain, Fujairah, Ras Al Khaimah) – email the Philippine CONSULATE at atn@pcgdubai.ae

II. WAIT FOR REPLY

Hintayin and email reply mula sa Embassy. Maari din silang tumawag o magmessage sa WhatsApp.

III. CONFIRMATION

Kung approved ang application, makakatanggap kayo ng travel advisory sa email. Sample confirmation below:

Good day! The Philippine Consulate General in Dubai would like to remind you of your upcoming flight on (date), via (airline) departing at (time) from Dubai and arriving at (hour) in Manila. Please be at (terminal) on (date).

Note: Requirements and information may vary depending on the Airline. Basahing mabuti ang mga instructions ng airline dahil may pagkakaiba sa mga detalye sa bawat airline.

1. Dalhin and mga sumusunod na dokumento:

  • Original and photocopy of passport or Travel Document (TD)
  • Original and photocopy of latest visa 
  • Personal medicines, if any
  • Medical certificate/fit-to-travel, if required

2. Iprint at pumirma sa AFFIDAVIT OF UNDERTAKING. Ipadala and photo nito sa Whatsapp +971 56 5015755 or +971 56 5015756.

  • Download the Word Document
  • Option 1: MANUAL – Print out and fill in the blanks by pen. Put your signature. Take a photo of the paper and send through WhatsApp.
  • Option 2: ELECTRONIC – Fill in the blanks using Word Document. Add electronic signature (take a picture of your signature and paste on the Word Document). Save as PDF and send through WhatsApp.

3. Maglog-in sa https://e-cif.redcross.org.ph/ at sagutan ang forms online

  • Pagkatapos sagutan and Red Cross Form, mabibigyan ka ng QR CODE.
  • I-save ito o kuhanan ng SCREENSHOT para mas madaling magamit pag nasa airport na.

filipino ofw repatriation covid

Tip: Gawin ito bago ang flight date habang may mabilis na internet. Ang QR code na ito ay gagamitin sa halos lahat ng pila sa Pinas.

IV. ACKNOWLEDGEMENT

Magpadala ng acknowledgement message na natanggap mo ang mga impormasyong pinadala sa iyo.

filipino ofw repatriation covidPHASE 2
AIRPORT DEPARTURE

Important: Basahing maigi ang baggage rules and allowances. Wag magdala ng sobra sa allowed weight para hindi na mahassle sa airport.

TIPS FOR PACKING

1. BAGGAGE

  • Magpack ng tsinelas para siguradong may magamit sa quarantine facility.
  • Bawal ang bulky appliances at electronic devices katulad ng TV (kahit anong size), unless willing to pay extra.
  • Ang gitara with hardcase ay considered excess baggage with 45AED extra fee.
  • Tip para makatipid ng ilang kg: gumamit ng karton instead of maleta at isecure ito ng masking tape at tali.
  • Siguraduhing hindi mukhang mataba at malaki ang hand carry na bag.

2. TRANSPORTATION

  • Double check ang mga Passports at lahat ng dokumento bago bumiyahe papuntang airport.
  • Depende sa budget, pwedeng taxi or carlift. Pag carlift ang gagamitin, huwag sa airport ang bayaran para hindi mahuli. Sa umpisa palang ay magbayad na. Better kung may kamag-anak or kaibigan na maghahatid.
  • Advisable na at least 5 hours ahead ng flight schedule niyo ay nasa airport terminal na.

3. ESSENTIALS

  • Required na naka-mask at naka-gloves pag nasa loob na ng airport. Mas magandang bumili ng excess supply kase magagamit din sa Pinas ang sobra.
  • Magdala ng maliit na alcohol at sanitizer.
  • Magbaon ng tubig kase pinapayagan nang ipasok ang tubig sa loob ng airport hanggang sa eroplano.
  • Magdala ng libro or magdownload na ng mga movies sa phones para hindi mabagot habang nag-aantay. Magearphones o headset para hindi nakaka-abala sa iba.
  • Magdala ng bolpen at extrang bolpen para sa mga hihiram. Ipamigay na once ginamit ng iba.
  • I-ready and Pinas Sim Card at sabihan ang pwedeng mag e-load sa inyo pagkalapag sa airport.
  • Magready ng cash for emergencies.

4. FOOD

  • May mga makakainan sa loob ng airport.
  • Pwede ding magdala ng baon basta hindi mabaho at messy pag kinain.
  • Meron ding ibibigay sa loob ng eroplano na packed food like cup noodles, juice, nuts and bread.

AIRPORT DEPARTURE PROCEDURES

Ihanda ang sarili sa mahahabang pila at pag-aantay. Bawal pumasok sa loob ang hindi kasama sa flight tulad ng naghatid. Priority ang buntis at may dalang bata.

  1. Pumila sa CHECK-IN counter.
  2. Pumila sa IMMIGRATION.
  3. Pumila sa XRAY SCANNER para sa mga luggage.

    Tips: Mas maganda na wala masyadong tinatanggal sa katawan para mabilis. Ilagay na ang mga earrings, rings, bracelet, watch, belt, or kahit anong metal sa loob ng hand carry. Pag may mga electronic devices, tulad ng laptop at cellphone, ay ilabas at ihiwalay ng tray. Pwede ding ipatanggal ang sapatos kaya mas maganda na magsuot ng madaling matanggal o walang sintas.

  4. Mag-antay sa BOARDING AREA. Ihanda ang Passport at Boarding Pass kapag papasok na
  5. Depende sa terminal, sumakay sa train or Shuttle Bus papunta sa eroplano.

filipino ofw repatriation covidPHASE 3
ONBOARD THE AIRPLANE

Note: Information may vary per airline. Bawat airline ay may sariling protocols.

TIPS INSIDE THE PLANE

  • ANNOUNCEMENTS – Makinig ng mabuti sa mga rules at paalala. Huwag magmamarunong.
  • FORMS – Sagutan agad and 2 forms na ito:
    a. OWWA Form – to be submitted onboard
    b. Immigration Form – to be submitted sa Immigration sa Pinas
  • FLIGHT DETAILS – Hangga’t maari ay i-memorize, isulat o i-save sa phone ang mga ito:
    a. Passport number and Travel Document Number
    b. Philippine mobile number (kung wala, contact number ng closest relative sa Pinas)
    c. Contact person and number sa Pinas
    d. Complete address ng destination or uuwian sa Pinas
    e. Flight number and date
    f. Last flight number and date kung kelan kayo umuwi ng Pinas or lumabas ng host country
owwa-repatriation-ofw

Free airplane food for 3 people

  • FOOD – May libreng pagkain na ibibigay sa bawat isa.
  • SOCIAL DISTANCING – Depende sa eroplano, karamihan ay hindi 1 seat apart, kaya walang social distancing sa loob. Sariling sikap ang magmaintain ng health safety.
  • ESSENTIALS – magdala ng jacket, kumot, at unan dahil may tendency na masyadong malamig sa loob at hindi provided ang kumot.
  • LAVATORY – Bawal ang pumila kaya hangga’t maari huwag antayin na ihing-ihi na or last-minute bago pumunta sa CR, lalo pag may kasamang bata or matanda.

covid ofw repatriation uae philippinesPHASE 4
AIRPORT ARRIVAL

Welcome home and back to the land of slow internet signal. Iwasang mag-mura sa sobrang bagal nito.

I. DISEMBARKING

  1. Huwag kaagad tumayo hangga’t hindi pa natawag ang area ninyo na bababa.
  2. Bago bumaba, ibigay ang Yellow na OWWA Form sa mga nurses na papasok.
  3. Sa loob ng airport terminal, mabibigyan kayo ng DSWD guide for Mental Health & Psychosocial Support. Pwedeng sagutin ito online pagdating na sa quarantine hotel or facility.

covid ofw repatriatioII. HOLDING AREA

  1. Pumasok sa Holding Area kung saan gagawin ang OWWA ENCODING at SWAB TESTING.
  2. Umupo one seat apart at mag-antay para sa ORIENTATION.
  3. Sa loob ng Holding Area ay may CR, WiFi na mabagal at libreng mainit na tubig. Magdala ng 3-in-1 na kape kung coffee addict ka. Pwede din kumain. May mga food stalls na nagtitinda ng snacks.
  4. May mga staff na umiikot na naka-PPE na handang mag-assist.

FOR NON-OFW & TOURIST/VISIT VISA TRAVELLERS:

  • Magtanong kung saan kayo pipila
  • Maghanda ng cash on hand. Maaaring kayo ang sasagot sa gastusin ng SWAB Test at Quarantine Facility.
  • Kung kayo ay OFW pero naka tourist or visit visa dahil sa end of contract, magtanong at magpatulong sa mga OWWA Staff kung paano ang status niyo.

covid ofw repatriation

III. OWWA ENCODING

1. Ihanda ang screenshot ng Red Cross QR Code at pumila sa Owwa Encoding desks.

  • Kung hindi pa nasagutan ang Red Cross Form bago sumakay sa eroplano, hanapin kaagad ang pila kung saan merong tumutulong para matapos ang form at magkaroon kayo ng QR Code.
  • Kung hindi kaya ng phone nyo at ng WiFi signal, magpatulong lang sa mga staff na naka-PPE at face shield.
  • Magbasa ng mga instructions na nakapaskil sa mga dingding habang nag-aantay sa pila.

2. Ihanda ang PASSPORT at sabihin kaagad sa OWWA officer kung may kasama kayong dependent (family member).
3. Hawakang maigi ang 6 stickers na ibibigay para sa SWAB Testing.

covid ofw repatriation

IV. SWAB TEST

  1. Pagkatapos ng OWWA ENCODING, dumiretso agad sa SWAB TESTING AREA.
  2. Ihanda ang Passport at ang 6 stickers na ibinigay.
  3. Dalawang klase ang gagawing testing:
    a. BOTH NOSTRILS – ipapasok sa dalawang butas ng ilong ang mahabang plastic na panguha ng specimen.
    b. THROAT – kelangang ibuka ng maigi ang bibig at bigkasin ang “AAAAAAAAAAH” hanggang sa matapos kumuha ng specimen.

TIPS DURING SWABBING:

  • Medyo masakit ng konti. Maaaring maluha o parang mapapasuka. 
  • Mag-relax lang at huwag labanan.
  • Maghanda ng tissue o panyo para sa luha at tubig naman para sa lalamunan.

V. IMMIGRATION

  1. Pumila na sa Immigration.
  2. Ihanda ang IMMIGRATION FORM na binigay sa eroplano. Kung hindi pa ito nasagutan ay mag fill-up muna bago pumila.
  3. Ipasa ang Passport at IMMIGRATION FORM sa Immigration Officer pag tinawag.
  4. Tanggalin ang mask para sa picture-taking sa harapan ng Immigration Officer.
  5. Kunin ang Passport bago umalis.

covid ofw repatriation uae philippines

VI. OWWA QUARANTINE DESIGNATION DESK

Lahat ng OFWs ay LIBRE ang expenses sa Quarantine Facility.

  1. Pagkatapos ng Immigration ay pumunta sa Baggage Claim area at hanapin muna ang OWAA Quarantine Designation Desk. Dito ina-assign kung saan ang quarantine facility ng bawat isa.
  2. Pumila at ihanda ulit ang QR Code. Kung kasama niyo ang inyong mga dependent, magsabi agad sa mga OWWA Staff na umiikot sa pila.
  3. Pagtinawag sa desk, sagutin ang mga tanong ng OWWA Staff.
  4. Sagutan ang REGISTRATION FORM na nasa tabi ng OWWA Desk.
  5. Kunin ang libreng pagkain, kung may ibibigay.
  6. Kumuha ng trolley at kunin ang bagahe.
  7. Dumaan sa customs at lumabas ng terminal

covid ofw repatriation uae philippinesVII. BUS LOADING

  1. Pumunta sa BUS LOADING AREA.
  2. Sagutan ang personal FORM na ibibigay.
  3. Mag sign-up sa Bus Attendance Form pagkaupo sa bus. Umupo one seat apart.
  4. Dito nyo malalaman kung saang facility kayo naka-assign.

PHASE 5
QUARANTINE FACILITY

OWWA and nagdedecide kung saan kayo dadalhing hotel, suites, apartelle o ibang facilities.

Note: Information may vary per facility.

I. BUS DISEMBARKING AND LUGGAGE DISINFECTION

  1. Pagbaba sa bus, ilagay lahat ng mga bagahe, backpack, handbag, purse sa mga trolley for DISINFECTION. Hotel staff ang magdadala nito sa loob.
  2. Pumasok sa REGISTRATION AREA for ROOM ASSIGNMENTS.

Tip: Kung kayo ay mag-asawa sabihin agad at magrequest ng isang room or adjoining rooms or magkatabi na rooms kung meron. Ipaalam sa COASTGUARD OFFICER IN CHARGE kung pwede kayong dumalaw sa isa’t-isa kung magkaiba kayo ng rooms.

3. Sagutin ang mga katanungan kung may PRE-EXISTING HEALTH CONDITION or FOOD ALLERGIES kayo.
4. Kunin ang room NUMBER and INSTRUCTION SHEET.

covid ofw repatriation

II. COAST GUARD INSTRUCTIONS

  • Sasabihan kayo ng Coast Guard Officer na antayin ang Swab Test results sa kanilang Facebook Page.
  • 3-7 days ang paglabas ng results.
  • Pag lumabas na ang results nyo, ipaalam agad sa front desk para makipag-ugnayan sila sa Coast Guard in Charge.
  • Ang Coast Guard mismo ang makikipag-ugnayan sa inyong destination province para sa inyong transportation pauwi.
  • Bawal ang private transportation.

III. FEET DISINFECTION AND LUGGAGE RETRIEVAL

  1. Umapak sa disinfecting pad bago pumasok sa hotel premises.
  2. Kunin ang bagahe ayon sa instructions. Mag-request ng trolley or assistance pag mabigat o madaming gamit.

covid ofw repatriation uae philippines

IV. ROOM QUARANTINE

  • Basahing maigi ang ibinigay na instructions. Read, understand and comply.
  • Free meals for 3x a day ang provided.
  • Depende sa facility kung may WiFi o wala. Mas ok kung may mobile data at magsubscribe sa mga data packages.
  • Depende din sa facility ang provisions for toiletries.
  • Wag maging pasaway dahil ume-effort naman ang gobyerno para maging safe at maprovide ang mga basic needs.

V. MAINTAIN GOOD HEALTH

  • Kumain ng maayos.
  • Mag-exercise pa rin hangga’t maari at iwasan ang pagpupuyat na nakakapagpababa ng immune system.
  • Palakasin ang sariling emotional, mental at spiritual conditions.

covid ofw repatriation uae philippines

PHASE 6
WAITING FOR TEST RESULTS

IF POSITIVE RESULTS:
The government will provide you with the next steps.

IF NEGATIVE RESULTS:

I. SWAB TEST RESULTS

  1. Matatanggap ang SWAB Test Results sa pamamagitan ng TEXT or EMAIL.
  2. I-download and results as PDF or i-screen-shot ito at ipakita sa EXIT DESK.
  3. Tumawag sa FRONT DESK or reception ng quarantine facility para ibigay alam ang resulta kung positive or negative.

IMPORTANT: bago tumawag ay mag-empake na dahil maaring kelangan na magcheck-out agad. Siguraduhin walang maiiwan na personal items sa loob ng facility.

II. QUARANTINE FACILITY EXIT (for NEGATIVE RESULT)

  1. Dumaan sa EXIT DESK para makuhanan ng temperature. Ihanda ang passport at test results.
  2. Sumakay sa bus or transport vehicle.
  • Kapag ang final destination ay VISAYAS at MINDANAO REGIONS, ibababa kayo sa Airport.
  • Kapag ang final destination ay LUZON, ibababa kayo sa PITX

covid ofw repatriation uae philippines

Dear OFW,
Expect this trip to be really tiresome. But you will get home soon. You did well working hard in a foreign land. It may seem dark these days but there is hope. Sa tulong ng Diyos, sama-sama din tayong babangon!

Details provided by Lyle Lucasi and family, repatriation date 15 June 2020. #RoadToRepatriation2020

Advertisement

8 thoughts on “A Guide for OFW Repatriation from the UAE to the Philippines

  1. Pag labas po ba ng swab test at negative ang results pwede po b sunduin ang asawa ko sa hotel Pauwi ng bahay or sa probinsya n uuwian?

    Like

    1. nagiiba-iba po sila ng rules and also depende sa LGU. I know friends who were able to sundo their family as long as complete din ang travel requirements.

      Like

  2. “for good” ang ibig sabihin po ba neto ay hindi na tayo maaring maging ofw sa ibang bansa, hindi na tayo maaring ma kapag trabaho muli sa ibang bansa bukod sa uae, kapag tayo ay humingi ng tulong sa ating owwa for repatriation

    Like

    1. I think “for good” means that you have terminated your contract with your current employer. Ibig sabihin, your current job is finished and you are moving home at the moment. I don’t think afford ng bansa natin to stop OFWs from travelling out again in the future. No adequate jobs and salaries in the Philippines.

      Like

What Do You Think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s