Kapag nakakatanggap ako ng gantong message:
“Ang saya ng classes ko, ate. Alam mo sa Statistics namin recite ako ng recite! Math yun ah! Tpos my mga new friends na ako! Ang saya-saya! Obvious ba? Super enjoy ate! THANK YOU SOOOO MUCH for pushing me here. I feel that I do belong here!”
OK na akong nagbabayad ng tuition. OK na akong pagod araw-araw. OK na akong sinisigawan lagi ng boss sa trabaho. OK na akong minamaliit at sinasabihan “useless” ng mga customers. OK na akong walang maayos na job description.
At kapag nakakatanggap ako ng gantong message:
“Ate, thank you for the money you gave me. When I grow old I will give you money also.”
OK na akong nagtitipid lagi. OK na akong di nakakabili ng luho. OK na akong tinutusta ng sobrang init na panahon. OK na akong umuuwi sa kadiliman at walang kausap. OK na akong namumuhay kasama ang mga surot.
At kapag nakakabasa ako ng gantong message:
“Anak, maraming salamat sa allowance ko.”
OK na akong mag-isa’t umiiyak gabi-gabi.
_____
Sabi nila hindi daw mahalaga ang pera. Pero para sa bagong bayaning ito, OK na.
Kapag.
nakaka-relate ako sa ‘kapag’!!! :0 apir!!!) saludo ako sa’yo bagong bayani!!;)
LikeLike
Aww.. ate Dorx, kaw ba to? apir too!!!
LikeLike
Hahaha! ayos ah! Eh kapag ganyan ba naman ang mga ngiti sa’yo, di ka tatanggi! 🙂 God bless you! 🙂
LikeLike
diba, ate 😦 haha.
LikeLike
e kapag ganito yung text: sis, salamat sa dslr. hahahaha..
LikeLike
hahaha. kasama ka ba sa picture?
On second thought… nghulog si ace sa raffle, pagpray mong manalo sya. at pambili natin ng DSLR ang porsyento ko. hahaha.
LikeLike